Ang babaeng naaresto na kilala sa komunistang grupo sa kanyang mga alyas na Yvonne, Sam at Ayang ay matagal nang pinaghahanap ng batas at nakalista sa Deparment of National Defense at Department of Interior and Local Government Memorandum of Wanted Persons.
Si Alyas Yvonne ay nadakip ng pinagsamang puwersa ng Armed Forces og the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Prominente ang posisyon ng suspek sa loob ng Sub-Regional Military Area 4D (SRMA 4D) o tinatawag ding Islacom Mindoro/Lucio De Guzman Command ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC). Inokupahan diumano nito ang ilang maimpluwensiyang posisyon sa loob ng komunistang organisasyon na nagsasagawa ng operasyon sa Mindoro.
Nahaharap si alyas Yvonne sa napakaraming kaso kabilang ang pagpatay at ilang beses na tangkang pagpatay, at gayundin ang pagnanakaw.
Pinuri ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., ang dedikasyon at pagkasigasig ng mga tagapagpatupad ng batas sa ginawang aksyon para mahuli si alyas Yvonne at mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bansa.
"The successful capture of this high-ranking CTG member is a testament to the unwavering determination and relentless pursuit of our law enforcement agencies to bring justice to the victims of CTG-related crimes. We will continue to work tirelessly to apprehend individuals who threaten the safety and security of our nation. This operation sends a clear message to all criminal elements that the Philippine National Police remains resolute in upholding the rule of law," ayon kay Acorda.
Idinagdag pa ni Acorda na ang pagkaaresto kay alyas Yvonne ay isang paaalala na seryoso ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagtatanggal sa lipunan ng mga banta sa seguridad ng bansa upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.
(Photo by PNA)
(Video by the PNP-PIO)