Isang call center agent at ang kanyang kasama ang inaresto ng Taguig City Police makaraang matiyempuhang may dalang mga ipinagbabawal na gamot sa Barangay Calzada-Tipas, Taguig City, noong Pebrero 9.

News Image #1


Nag-fu-foot patrol ang mga pulis ng Taguig City Police Substation 5 sa Ruhale Street, Barangay Calzada-Tipas bandang alas 8:55 ng gabi, nang makasalubong ang dalawang may kahina-hinalang kilos na sina alyas Jim, 26 taong gulang at alyas Arnel, 21 taong gulang.

Nang siyasatin ang dalawang lalaki, nakuha ng mga pulis ang tatlong plastic sachet na may lamang kristal na bagay na hinihinalang shabu.

May bigat itong 30.6 gramo na tinatayang may street value na P208, 080.

Nakakulong na ngayon sa himpilan ng pulisya ang dalawa habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

(Larawan mula sa Taguig City Police)