Isang Chinese national ang naghihintay sa kulungan nito sa Bureau of Immigration Detention Facility sa .Camp Bagong Diwa, Taguig City para maideport na sa bansang China.

News Image #1


Naaresto ng BI Fugitive Search Unit (FSU) si Ji Shunchao, 64 taong gulang, na wanted sa China dahil sa panlilinlang nito sa kanyang buwis at kumuha pa ng tax refunds.

Bumili diumano si Ji ng export declaration information sheet t ginamit ito, kasama ang pekeng VAT special invoices, upang makakuha ng export tax refunds na umabot ang halaga sa 14 na milyong renminbi o nasa dalawang milyong dolyar.

Ang pag-aresto kay Ji ay hiniling ng Shishi Municipal Public Security Bureau in China.

Samantala, noong Disyembre 8 naman, inaresto ng BI ang Taiwanese national na si Ye Tian Hao, 32 taong gulang, sa Pasay City dahil sa warrant of arrest na inisyu naman ng district prosecutor sa Taichung, Taiwan kung saan nasentensyahan na ito dahil sa panlilinlang.

Nakadetine rin sa BI warden facility sa Taguig City ang naturang Taiwanese national para maipa-deport.

"There will be no letup in our campaign to catch and expel these fugitives whose presence here poses a serious threat to public safety and security," ayon sa BI head na si Joel Anthony Viado.