Idineklara nang drug-free ang sampung barangay sa Taguig City makaraan ang pakikipagtulungan ng Taguig Police sa pamahalaang lungsod ng Taguig at ng mga mamamayan nito.

Kabilang sa mga barangay na idineklarang wala nang ipinagbabawal na gamot ay ang mga barangay ng San Miguel, Katuparan, Bambang, Calzada-Tipas, South Daang Hari, Central Signal, Ligid-Tipas, Sta. Ana, Fort Bonifacio, at South Signal.

News Image #1


Mula Enero hanggang Agosto ng taong ito, ang Taguig City Police ay nakakumpiska ng may 2,877.19 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu at 3,444.03 gramso ng marijuana na may kabuuang halaga na mahigit sa P20 milyon.

News Image #2


Naaresto naman ng Taguig Police ang 1,168 indibidwal sa 757 drug-related operations na kanilang isinagawa.

"Through these relentless efforts, the Taguig City Police has shown it continues to play a pivotal role in ensuring Taguigeños remain safe, one of the thrusts of my administration," ang pahayag ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa kanyang pagdalo sa seremonya ng pagkilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa 122nd Police Service Anniversary na isinagawa sa Camp Bagong Diwa sa Brgy. Lower Bicutan kamakailan.

Ang Taguig City Police ang nabigyan ng parangal bilang "best in anti-illegal drug operations" sa Metro Manila.

News Image #3


Tiniyak naman ni Taguig City Police Chief PCOL Robert R. Baesa na ang kanilang hanay ay patuloy na magsisilbi sa mga mamamayan at titiyakin ang kanilang kaligtasan. Gayundin, pananatilihin aniya nila ang magandang relasyon sa komunidad para magkatulungan sa pagpapahinto ng drug operations sa lungsod.

"This recognition serves as a reminder that with unity, we can make a difference and create a safer and drug-free environment for everyone," ayon kay Baesa.

(Photos by Taguig PIO)