May bagong ZIP (zone improvement plan) codes para sa 10 EMBO (enlisted men's barrio) barangays ngayong nasasakop na ang mga ito ng Taguig City, ayon sa Philippine Postal Corporation (PhilPost)

Sinabi ng PhilPost na ang pagbabago ay kanilang ginawa makaraang maging pinal na ang desisyon ng Korte Suprema na ilagay sa hurisdiksyon ng Taguig City ang Fort Bonifacio Military Reservation at ang 10 barangay sa EMBO na dati ay nasasakop ng Makati City.

News Image #1


Ang mga pagbabago sa ZIP codes sa mga naturang barangay ay ang mga sumusunod:
Cembo - 1640
Comembo - 1641
Pembo - 1642
East Rembo - 1643
West Rembo - 1644
South Cembo - 1645
Pitogo - 1646
Post Proper Northside - 1647
Post Proper Southside 1648
Rizal - 1649


Inabisuhan naman ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga residente at negosyo sa EMBO barangays na mag-update ng kanilang ZIP code upang hindi mawala ang kanilang mga sulat o package.

(Larawan mula sa PhilPost]