Sampung maswerteng mananahi ang nabigyan ng mga makinang panahi at iba pang kagamitan sa selebrasyon ng National Cooperative Month sa flag-raising ceremony sa Taguig City Hall noong Oktubre 16.

News Image #1


Ang mga benepisyaryo ay mula sa Sewer For Equity and Welfare Producers Cooperative na nasa ilalim ng Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na mahalaga ang ginagampanan ng Cooperative Development Office Taguig (TCDO) para magsama-sama at magtulungan ang mga Taguigeno para sa kaunlaran.

"Huwag po nating i-underestimate yung power of coming together, the power of talking to each other... We are being encouraged to work together in unity, lahat ng magagandang plano natin sa pamahalaang lungsod ng Taguig ay magaganap kapag may pagkakaisa, may koordinasyon, at may kooperasyon," ayon sa alkalde.

News Image #2


Sinabi naman ni Lecira Juarez, pinuno ng TCDO, na tuloy-tuloy pa rin ang mga aktibidad na may kinalaman sa selebrasyon ng National Cooperative Month. Kabilang sa mga isasagawa pa ang Cooperatives' Leadership Seminar at Cooperatives' Icon Award Night.

(Photos by Taguig PIO)