Simula sa Oktubre 28, 2024, bukas na ang 10 sementeryo sa Taguig City.

Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig, ito ay upang maagang makapunta sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ang mga Taguigeño.

Ang Aglipay Cemetery sa Barangay Ligid-Tipas ay bukas sa Oktubre 28 hanggang 31, 2024 ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi. Sa Nobyembre 1 naman, bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng umaga kinabukasan. Pagdating ng Nobyembre 2 at 3, bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

News Image #1


Ang Taguig Public Cemetery naman sa Barangay San Miguel ay bukas sa Oktubre 28 hanggang 29 ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon. Pagdating ng Oktubre 30 hanggang 31, bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi. Sa Nobyembre 1, ito ay bukas ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng madaling araw. Sa Nobyembre 2, ito ay bukas ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng umaga kinabukasan.

News Image #2


Bukas din sa Oktubre 28 hanggang 31 ang Hagonoy Catholic Cemetery sa Barangay San Miguel ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi. Sa Nobyembre 1 hanggang 2, bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi. Sa Nobyembre 3 naman ay bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.

Ang Tuktukan Cemetery naman sa Barangay Tuktukan ay magsisimula ring magbukas sa Oktubre 28 ar ang iskedyul ng pagbubukas nito sa Oktubre 28 hanggang 31 ay alas 6:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi. Sa Nobyembre 1 hanggang 2 naman ay bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi. Sa Nobyembre 3 ay bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.

Ang Tipas Roman Catholic Cemetery sa Barangay Ligid-Tipas ay bukas din ng Oktubre 28 hanggang 31 mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi. Sa Nobyembre 1 hanggang 2 naman ay bukas ang sementeryong ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi. Sa Nobyembre 3, ito ay bukas ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.

News Image #3


Ang Libingan ng mga Bayani naman sa Barangay Western Bicutan ay bukas sa Oktubre 28 hanggang 30 ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi. Sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3, bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi.


Sa Heritage Park naman sa Barangay Western Bicutan at Barangay Pinagsama, ang pagbubukas nito sa Oktubre 28 hanggang 30 ay mula alas 8:00 ng umaga hanggang a;as 6:00 ng gabi. Sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, ang operasyon nito ay mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi. Sa Nobyembre 3, bukas ito ng alas 5:00 ng Umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.

Ang Garden of Memories naman sa Barangay Ususan ay bukas sa Oktubre 28 hanggang 31 ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi. Sa Nobyembre 1 naman ay bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng umaga kinabukasan. Sa Nobyembre 2 hanggang 3, bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ang Bagumbayan Catholic Cemetery naman sa Barangay Bagumbayan ay magsisimula lamang magbukas sa publiko sa Oktubre 29 ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi, at ganito rin ang iskedyul para sa Oktubre 31. Sa Nobyembre 1 hanggang 2 naman ay bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi. At sa Nobyembre 3 ay mula alasd 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.

Ang Imam Moh Kusin Memorial Park naman sa Barangay Maharlika ay bukas ng Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

News Image #4


Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na bawal sa sementeryong magdala at uminom ng nakalalasing na inumin, manigarilyo o mag-vape, magdala ng baril at matatalim na bagay, magdala ng mga nakakalason o nakakasunog, magsugal, at magpatugtog ng malakas.

News Image #5


News Image #6


(Mga larawan ng Taguig PIO)