Dalawandaan at apatnapung mga empleyado ng Taguig City at mga volunteers ang sama-samang naglinis ng Taguig-Pateros River sa bahagi ng Barangay Rizal, kasama ang isang Australyanong environmentalist sa loob ng mahigit isang linggo, kung saan nakakuha ang mga ito ng 100, 000 kilo ng basura.

News Image #1


Ang proyekto ay sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) - National Capital Region, Lake and River Management Office, City Environment and Natural Resources Office ng Taguig at ng Taguig Facilities Management Office kung saan nakipagtulungan si Mike Smith, founder ng Zero Co na nagre-recycle at tumutulong sa paglilinis ng mga baradong daanan ng tubig.

News Image #2


Ayon sa project manager na si Francis Chua, hindi naman ito nangangahulugang nagpabaya ang pamahalaan sa responsibilidad nitong linisin ang mga ilog sa Metro Manila. "I want to make it clear that our government did not neglect its responsibility in the cleanup project. It was an excellent example of a successful collaborative effort," ayon kay Chua.

Ang mga basurang nakuha sa ilog ng Taguig-Pateros at mga bote ng tubig, sachet ng shampoo at sabon at iba pang non-biodegradable na basura na hindi basta nabubulok.

News Image #3

(Screenshot mula sa Google Maps)

Nakapagtanggal na rin ng basura ang grupo ni Smith sa San Juan River at Tanza Marine Tree Park.

"We only have one planet, one ocean, and we all share it. We all need to do our little bit to solve this problem, and it starts by using less plastic at home," ang pahayag ni Smith.

Sinimulan ng kumpanya ni Smith na maglinis sa baybaying dagat ng Australia, at saka nagtungo sa Indonesia at Egypt kung saan nakakolekta na sila ng 18, 000 kilo ng basura.

(Mga larawan mula sa FB Page ni Mike Smith)