Isandaang libong piso ang natanggap ng isang centenarian ng Barangay Western Bicutan, Taguig City, sa pagsapit nito sa kanyang 106 na kaarawan.
Personal na nagtungo si Taguig City Mayor Lani Cayetano kasama ang mga pinuno ng Office of the Senior Citizens Affairs ng Taguig sa Barangay Western Bicutan upang ipagkaloob kay Maria Billones ang kanyang ₱100,000 tseke noong Disyembre 21, 2023 sa kanyang bahay.
Ang mga sentenaryo ng lungsod ng Taguig ay binibigyan ng ₱100,000 cash gift kapag nakarating sila sa edad na 100, at patuloy ang kanilang pagtanggap ng ganitong halaga taun-taon habang sila ay nabubuhay.
Ang iba pang senior citizens ng Taguig ay nakakatanggap din ng cash gifts mula ₱3, 000 hanggang ₱10, 000 depende sa kanilang age bracket sab isa ng City Ordinance No. 25 series of 2017.
Mayroon ding libreng pagpapatingin, gamot na may kinalaman sa diabetes, asthma at high blood, libreng nursing services sa kanilang tahanan, libreng wheelchair, tungkod at hearing aid ang mga senior citizens ng Taguig.
(Photos by Taguig PIO)
106 Years Old na Lola sa Barangay Western Bicutan, Nakatanggap ng P100, 000 sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: