Labingisang taon nang namamayapa ang King of Comedy ng Pilipinas na si Rodolfo Vera Quizon o mas kilala bilang Dolphy.

Sa kanyang 11th death anniversary, nagtungo sa kanyang puntod sa Heritage Park sa Taguig City, ang kanyang partner na si Zsa Zsa Padilla at nag-alay ng mga bulaklak. Sa post ng aktres-singer sa Instagram account nito, nanghingi siya ng dasal para kay Dolphy. "Today is the 11th death anniversary of Dolphy. Please say a little prayer for him," ang saad ni Zsa Zsa sa kanyang post.

News Image #1


Si Dolphy ay nasawi noong Hulyo 10, 2012 sa gulang na 83 bunga ng kanyang mga sakit na pneumonia na naging kumplikasyon ng kanyang chronic obstructive pulmonary disease (COPD) at chronic renal disease.

Nag-reunion naman ang tv family ni Dolphy sa "Home Along Da Riles," isang sitcom noong 1990s, bilang paggunita rin sa anibersaryo ng kanyang kamatayan. Nagkita-kita sina Boy2 Quizon, Vandolph, Claudine Barretto, Smokey Manaloto, Gio Alvarez at Maybelyn dela Cruz para alalahanin ang masasayang sandal nila kasama ang kanilang "Tatay Kevin." Ang larawan naman ay ipinost ni Maybelyn sa kanyang Instagram account.

News Image #2


(Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Zsa Zsa Padilla at Maybelyn dela Cruz)