Mahigit isang milyong pisong halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nakuha mula sa isang 40 anyos na lalaki sa Barangay Wawa, Taguig City, sa isang buy-bust operation noong Hunyo 8, 2024.

News Image #1


Bandang alas 8:40 kagabi, Sabado, nang maaresto si alyas Otchok at nakuha rito ang 190 gramo ng hinihinalang shabu.


Nagpanggap na buyer ang ahente ng pulisya, at nang magkaabutan na ay saka dinakma si Otchok ng pinagsamang puwersa ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit at Sub station 9.

Nakumpiska sa suspek ang 8 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng
₱1,292,000.00; gayundinnang 1 Flamma Ignition coil box; ang buy bust money na ₱1,000.00 bill na nasa ibabaw ng 39 pitaso ng ₱1,000.00 counterfeit money; at isang weighing scale.

News Image #2


Kasalukuyang nakakulong sa Station Custodial Facility ng Taguig City Police si Otchok at kakasuhan ng paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

(Larawan mula sa Taguig City Police)