Umabot sa 1.3 milyon ang mga bumisita sa The Lights of Christmas / Taguig Christmas by the Lake sa TLC Park, C6 Road Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Kapaskuhan hanggang magtapos ito noong Enero 12, 2025.

News Image #1


Hindi lamang mga Taguigeños ang namangha at napasaya ng TLC Park kung hindi maging ang mga taga ibang lugar at mga turista mula sa ibang bansa.

News Image #2


"Sulit din po ang lahat dahil ang naging bunga ng ating pagtutulungan ay ang malalaking ngiti ng mga pamilyang Taguigueño at mga bisitang mula sa ating mga karatig-lungsod hanggang sa mga dumayo pa mula sa malalayong probinsya," ang post ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa kanyang Facebook Page.

News Image #3


Nagpasalamat din ang alkalde sa mga negosyanteng lumahok sa pagtitinda sa Lakeshore Park, mga nagtanghal at sa mga tauhan ng City Park and Recreation Office at iba pang mga opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

News Image #4


"Hintayin po ninyo ang muling pagbabalik ng paboritong pasyalan ng karamihang Taguigueño," ang paniniyak ni Mayor Cayetano.

(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)