Isang libo tatlongdaan at tatlumpu't isang trabaho mula sa 26 na ahensiya ng pamahalaan ang naghintay sa mga mamamayan sa Taguig Convention Center noong Setyembre 5, 2024.
(Larawan mula sa Civil Service Commission)
Sa kabila ng malakas na ulan, nagtungo ang daan-dang mga aplikante sa Civil Service Commission National Capital Region (CSC NCR) Government Job Fair 2024.
Kabilang sa mga posisyong pinunan ay ang mga supervisory, technical at administrative positions at maging sa general services.
May mga permanente at hindi permanenteng posisyon sa pamahalaan na bukas para sa aplikasyon sa isang araw na job fair. Ang ilang ahensiya ng pamahalaan ay doon na mismo sa job fair nagsagawa ng kanilang pag-iinterview sa mga aplikante.
Nagtungo si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa naturang job fair at sinalubong siya ni Civil Service Commissioner Aileen Lourdes Lizada.
(Larawan ng FB Page: Lani Cayetano)
Ayon kay CSC NCR Regional Director Victoria Esber natuwa sila sa dami ng mga nagsilahok sa naturang job fair. "We are thrilled with the turnout and the enthusiasm of the job seekers who are determined to make their mark in public service."
Sinabi naman ni Cayetano na hindi natinag ng ulan ang mga kapartner nila sa paglilingkod bayan at itinuloy ang naturang job fair na pinangunahan ni Esber at sinusportahan ni Taguig City HRMO Chief Jeanette Clemente.
"I wish the applicants all the very best! At kung sakaling matanggap sa mga ahensya ng gobyerno ay dalangin kong maging mahusay, matapat at masigasig silang kawani ng pamahalaan," ayon kay Cayetano.
1,331 na Trabaho sa Gobyerno, Binuksan para sa mga Aplikante sa CSC-NCR Job Fair 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: