Isang milyon tatlongdaan at animnapung libong pisong halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at ng mga kasamang pulis sa Taguig City noong gabi ng Mayo 12, 2024 sa isang lalaki sa Labao Extension, Barangay Napindan, Taguig City.

News Image #1


Sa isinagawang buy-bust operation bandang alas 6:20 ng gabi noong Mayo 12, ang mga operatiba ng RDEU kasama ang Southern Police District - District Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU), Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station at Substation 5 personnel, naaresto ng mga ito si VP Marquez Villegas, 49 taong gulang at residente ng Barangay Palingon Tipas.

News Image #2


Nakuha kay Villegas ang apat na piraso ng plastic sachet na nakasara pa at may lamang hinihinalang shabu na ang timbang ay 200 gramo, bukod sa ipinambiling marked money na ₱1, 000 at 3 bundle ng boodle money.

Si Villegas ay kakasuhan ng paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o "Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Taguig City Prosecutor's Office.

(Larawan mula sa PNP-NCRPO)