Suspendido na ang 14 na gumagawa at nag-aangkat ng vaporized nicotine at non-nicotine products sa paglabag sa packaging at health warning requirements sa kanilang produkto.

News Image #1

(Larawan ni Vera Victoria)

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) ang suspensyon ay batay sa paglabag sa Section 4(d) ng Republic Act 11900 o ang "Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act."

Ang multa sa paglabag sa marking requirements sa mga produkto, batay sa Bureau of Internal Revenue ay ang sumusunod:

1st Offense: Php 2,000,000 fine + imprisonment of 2 years;
2nd Offense: Php 4,000,000 fine + imprisonment of 4 years;
3rd Offense: Php 5,000,000 fine + imprisonment of 6 years + revocation of business permits and licenses.

Ang mga suspendidong manufacturers at importers ay inisyuhan ng Preliminary Order (PO) o Preventive Measure Order (PMO) kung kaya't suspendido ang mga ito mula sa paggawa, pag-angkat, pamamahagi at promoyon ng lahat ng vaporized nicotine at non-nicotine products.

Nanawagan ang Office for the Special Mandate on Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products, their Devices, and Novel Tobacco Products (OSMV) na ipagbigay-alam sa mga otoridad ang mga nagbebenta ng vape products na lumalabag sa batas.

Maaaring kumontak sa DTI Consumer Care Hotline sa 1-384 o magpadala ng e-mail sa [email protected].

Maaari ring maghatid ng impormasyon at sumbong sa [email protected] o bisitahin ang https://www.dti.gov.ph/osmv/.