Labingapat na Nigerian nationals ang nakapiit ngayon sa Warden Facility ng Bureau of Immigration sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City dahil sa kaugnayan ng mga ito sa gawaing panloloko.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
Ang mga Nigerians ay naaresto ng BI Intelligence unit at ng lokal na pulisya sa isang lugat sa Las Piñas City kamakailan.
Ang unang target ng operasyon at dalawang Nigerains lamang na may kaugnayan sa maraming pamamaraan ng panloloko sa tao. "Our intelligence division has been closely monitoring these individuals. They were reportedly involved in love scams, online scamming, and credit card fraud," ayon kay Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr.
Ang mga inisyal na target ng operasyon ay sinaGodswill Nnamdi Chukwu, 32 taong gulang, at Justin Chimezie Obi, 30 taong gulang. Gayunman, nang isagawa ang panghuhuli, nakita ang 12 iba pang Nigerians na ilegal na nananatili sa bansa.
Ang lahat ng 14 na Nigerians ay overstaying aliens kaya't inaresto ng Immigration officers at dinala sa pasilidad nito sa Camp Bagong Diwa.
"These arrests underscore our commitment to safeguarding our nation's security and maintaining the integrity of our immigration laws. We will continue to work tirelessly to bring violators to justice," ang pahayag naman ni Immigration Commissioner Tansingco.
Ipapatapon palabas ng bansa ang mga Nigerian nationals na ito at hindi na papayagang makabalik pa sa Pilipinas.
14 na Nigerian Nationals na may Kinalaman sa Credit Card Fraud at Iba Pang Panloloko, Arestado ng Immigration | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: