Labinlimang estudyante ng Taguig City ang kabilang sa mga Pilipinong estudyanteng nagwagi ng 190 medals at awards sa nakaraang 2023 World Talent International Mathematics Examination (WTIME).

News Image #1


Ang online contest sa matematika ay nilahukan ng mga Pilipinong estudyante sa buong bansa at sa kabuuan ay nakakuha ang mga ito ng 13 gold, 38 silver at 74 na bronze medals.

Nagkamit din ang mga estudyante ng 65 merit awards, ayon sa Mathematics Trainers Guild (MTG)-Philippines.

News Image #2


Pinatunayan ng mga estudyanteng Pilipino ang kanilang kakayahan sa pagresolba sa matematika sa napaka-competitive na contest na ito sa buong mundo, ayon sa MTG.

Kabilang sa mga nagwagi na mula sa MGC New Life Christian Academy na nasa Bonifacio Global City Taguig ay sina Tyler Gavin Uy Uy, Grade 6, na nakakuha ng gintong medalya; Nathan Andres Ting Alviar, Grade 9 na nakakuha naman ng pilak na medalya; Nathan Gabriel So Hao, Grade 11 na nakakuha rin ng silver medal; Keisha Elise Chen Wang, Grade 5 na nakakuha ng bronze medal, Theo Go Chan, Grade 4 na nagkamit din ng bronze; Ember Prinze Avelino Wong, Grade 5, na nakakuha ng merit; at Michiko Meredith Ng Tiong, Grade 6, na nagkamit din ng merit.

Humakot din ng mga medalya at pagkilala ang Upper Bicutan Elementary School na kinabibilangan nina Aiyana Victoria delos Santos Aceret, Grade 6, na nakakuha ng tansong medalya; Ronice Banigan Moquete, Grade 6, na nakakuha din ng bronze medal; Jazz Nazarene Bagang Arguilles, Grade 5, na nakakuha ng merit; Jon Lester Fetizanan Rioflorido, Grade 5, na nagkamit din ng merit; at Nazhe Maxenne Ramos Hernandez, Grade 3, na mayroon ding merit.

News Image #3


News Image #4


News Image #5


Bronze medal ang nakuha ni Apple Ofalla Botalon, Grade 9, ng Taguig Science High School.

Bronze medal din ang nakamit ni Elaiza Mae Macaorog Ojo, Grade 11, ng Senator Renato Cayetano Memorial Science and Technology High School; gayundin ang kanyang kamag-aral na si Kalel Elijah Acebedo Lontok, Grade 8 na mayroon ding tansong medalya.

(Photos from Department of Science and Technology and Upper Bicutan Elementary School)