Labinlimang mga scholars ng Taguig City o ng Lifeline Assistance for Neighbors in Need (LANI) Scholarship ang ngayon ay mga bagong abogado makaraang makapasa sa 2024 Bar Examinations.

News Image #1

(Larawan mula sa Taguig PIO)

News Image #2

(Larawan mula sa Taguig PIO)

News Image #3

(Larawan mula sa Taguig PIO)

142 naman ang nakapasa ng board examinations kung saan 3 rito ang mga top placers.

Kabilang sa nag-top si Gwyneth Magsael ng UP-Los Baños, na nasa pang-limang puwesto sa Licensure Examination for Agriculturists.

Pang-walong puwesto naman sa Speech-Language Pathologists Licensure Examination ang taga-Barangay Western Bicutan na si Mary Faye Winona Gloria ng UP-Manila.

Pang-9 naman sa mga nanguna sa Nurse Licensure Examination ang taga-Barangay Post Proper Southside na si Klarisse Kaye Amaba ng University of Makati.

Bukod sa mga nabanggit, nakapasa rin sa licensure examinations ang 1 Agriculturist, 2 Speech Language Pathologists, 1 Veterinarian, 1 Mining Engineer, 1 Registered Midwife, 2 Nutritionist-Dietitians, 4 Custom Brokers, 24 Civil Engineers at 106 Nurses.

Nagpaghayag ng kasiyahan at pagmamalaki si Taguig Mayor Lani Cayetano sa kanyang post sa Facebook.

"I just want to thank God and our taxpayers dahil sa mga scholars ng Taguig na matagumpay na nakapasa sa iba't ibang licensure examinations at ngayon ay mga ganap nang propesyunal.

I'm a proud Ate/Mama Lani! Congratulations sa ating mga scholars at sa kanilang pamilya!"

Sa ngayon ay may 4, 359 na lisensiyang propesyonal na scholars ng LANI.