Labinlimang kwalipikadong nagtitinda ng bigas sa mga barangay sa EMBO ang binigyan ng pinansiyal na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Taguig.

News Image #1


Nakakuha ng ₱15, 000 cash assistance ang mga maliliit na tagatinda ng bigas ng EMBO barangays sa TLC Volunteer Center, Barangay Pembo, Taguig City noong Setyembre 14.

News Image #2


Ang ibinigay na halaga ay sa pamamagitan ng DSWD Sustainable Livelihood Program na kaugnay ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na tulungan ang mga tagatinda ng bigas na pinaka-apektado ng Executive Order (EO) No. 39, na nagpapatupad ng pansamantalang price cap o hangganan sa presyo ng bigas.

News Image #3


Epektibo noong Setyembre 5, itinakda sa ₱41 kada kilo para sa regular milled rice at ₱45 kada kilo para sa well-milled rice.

Sinabi naman ni Taguig Mayor Lani Cayetano na laging handa ang kanyang pamahalaan na makipagtulungan sa pambansang pamahalaan

"Handa tayong makiisa at tumulong sa National Government para po ma-reach out po natin yung mga nangangailangan at mga apektado nating mga kababayan," ayon kay Cayetano.

(Photos by Taguig PIO)