Isandaan at limampu't anim na Child Development Centers (CDC) o daycare centers sa Taguig City ang inayos at nilinis sa tatlong araw na Bayanihan Bulilit 2024 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ng mga bata sa Agosto 12, 2024.

News Image #1


Sinimulan ang Bayanihan Bulilit na kahalintulad ng Brigada Eskwela sa mga pampublikong paaralan noong Agosto 5, Lunes.

Pinamunuan ng Taguig City Social Welfare and Development Office ang Bayanihan Bulilit kasama ang mga guro, magulang, empleyado ng Taguig City, at mga tumutulong sa pagmamantina ng mga naturang daycare centers.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig naman ang nagbigay ng mga panlinis sa bawat daycare center sa Taguig.

News Image #2


Tinitiyak ng Taguig City government na ang mga mag-aaral sa naturang daycare centers ay may malinis, maayos, ligtas at kaakit-akit sa pag-aaral na mga sentro ng aralang pambata.

News Image #3


(Mga larawan mula sa Taguig City PIO)