Labinganim na medalya ang nakamit ng para athletes ng Taguig sa isinagawang ika-walong Philippine National Para Games sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila at sa PhilSports Arena sa Pasig kamakailan.
Mahigit 900 mga atleta mula sa iba't ibang panig ng bansa ang lumahok sa kumpetisyon mula Nobyembre 11 hanggang 15, 2024.
Tatlong gintong medalya ang nakamit ng mga para athletes ng Taguig, kasama na ang pitong pilak na medalya at anim na tansong medalya sa iba't ibang events.
Gold medal ang nakamit ni Kenneth Namisato sa Para Chess Rapid Event at silver medal naman sa Para Chess Blitz Event. Gold din ang nakuha ni Marilou Lucero sa Chess Standard Event at silver medal sa Chess Rapid Event.
Silver medalist si Menandro Redor sa Chess Blitz Event at bronze medalist naman si Jeanlee Nacita sa kaparehong laro.
Bronze medals naman ang naiuwi ni Jovilyn Ringor para sa Chess Blitz Event at Chess Standard Event. Gayundin si Elena Peligro para sa Chess Standard Event.
Sa team event naman sa Para Chess Rapid, naka-gold sina Jovilyn Ringor at Jeanlee Nacita.
Silver naman ang nakuha nina Menandro Redor, Melchor Pizarro at Karl Ian Pindug sa Para Chess Blitz Team event.
Si Edgar Mamaclay naman ang nakakuha ng silver medal sa para swimming 100 meter butterfly stroke.
Bronze medalist naman si Francis Sasutona sa badminton.
Si Adrian Huldago ang nakakuha ng silver medal sa athletics - shot put at discus throw.
At ang Taguig Para wheelchair basketball team ay nakuha ang bronze medal.
Kabilang sa mga sumuporta sa mga para athletes ng Taguig ay sina Taguig Rehab Medicine Doctor, Dr. Noel Napa, at ang mga physical therapists mula sa Taguig Physical Medicine and Rehabilitation Unit, na pinangunahan nina Zarah Claire Cuenca at Christine Cabardo.
(Mga larawan mula sa Taguig PIO)
16 na Medalya, Nahakot ng Para Athletes ng Taguig sa 8th Philippine National Para Games | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: