Labingpitong estudyante mula sa Taguig City ang binigyan ng scholarship ng Always With Us (AWU) Foundation, isang Korean foundation, sa isang seremonya sa Trade Hall ng Vista Mall sa Taguig City kamakailan.
Sampung libong pisong financial assistance ang natanggap ng mga kabataang nag-aaral sa kolehiyo na masusing pinili ng foundation upang tulungan.
Sumailalim sa masinsinang pagpili at panayam ang labingpitong estudyante mula sa iba't ibang paaralan sa Taguig na mga nangunguna sa klase at may kanya-kanyang kuwento sa likod ng kanilang pagpupursige sa pag-aaral.
Ang labingpito ang unang batch na kalahok sa scholarship program ng AWU, at binabalak nitong palawigin pa ang bilang sa mga susunod na taon.
"Since this is our first donation of scholarships and our first scholarship event, the amount and the number of students are relatively low-P10,000 per student. However, in our future donations, we plan to support more students with larger scholarships," ayon kay Seungchan Lee, presidente ng AWU Foundation.
Nagpasalamat naman ang mga estudyante sa AWU Foundation sa kanilang natanggap na tulong sa kanilang pag-aaral.
Kabilang dito si Angelo Salgado, 3rd year college sa Taguig City University, na nagsabing malaking tulong sa kanilang mga estudyante ang ipinagkaloob ng AWU lalo na't maraming gastos sa kolehiyo.
"Thank you very much to the big boss, to the CEO. Thank you very much. Kamsahamnida," ayon naman kay Ellyn Kaye Biado, 1st Year College ng Our Lady of Guadalupe Colleges.
Ang AWU Foundation ay tumutulong sa mga mahihirap na pamilya sa Pilipinas at nagbabalak magtayo ng 1, 000 condominium units na parerentahan sa mababang halaga para may matirhan ang mga walang bahay.
(Photos by AWU Foundation)
17 Estudyanteng Taguigeño, Nakatanggap ng Scholarship sa Isang Korean Foundation | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: