Nakabalik na ng Pilipinas ang labingpitong Pilipinong mandaragat ng M/V Galaxy Leader makaraang bihagin ng Houthi rebels habang naglalayag ang mga ito sa Yemen labingapat na buwan na ang nakararaan.

News Image #1


Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 mula sa Oman sa pamamagitan ng Oman Air 843 ang mga Pilipino kagabi, Enero 23, 2024, ganap na alas 9:31 ng gabi.

Ang mga ito ay sinalubong ng mga opisual ng pamahalaan sa pangunguna nina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Transportation Secretary Jaime Bautista, Health Secretary Teodoro Bautista, at iba pang opisyal ng pamahalaan.

News Image #2


Napalaya ang mga Pilipino sa tulong ng pakikipagnegosasyon ng Sultanate ng Oman sa mga rebeldeng Houthi habang may tigil-putukan sa Gaza. Ito naman ay batay sa kahilingan ng pamahalaan ng Pilipinas.

Agad ding pinauwi ang mga ito ng Sultanate ng Oman makalipas na mapalaya.

News Image #3


(Mga larawan ng Department of Migrant Workers)