Isang labingpitong taong gulang na estudyante sa Taguig City ang naaresto ng Taguig City Police dahil sa droga sa Barangay Fort Bonifacio noong Nobyembre 8, 2024 ng madaling araw.
Ang naturang Grade 11 student ay nakuhanan ng mga pulis ng 18.2 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P123,760 sa isang buy-bust operation noong Biyernes ng alas 12:40 ng madaling araw.
(Larawan ng Southern Police District)
Nagpanggap na bumibili ng droga ang mga tauhan ng Taguig Police Drug Enforcement Unit at huli sa akto ang teen-ager na nagbebenta ng ilegal na gamot. Bukod sa droga, nabawi sa batang lalaki ang P500 ginamit na buy-bust money.
Ikatlo na ito sa mga teen-agers na nahuli sa Taguig City dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot kamakailan, kasama na ang isang 16 na taong gulang na lalaki na nakuhanan ng shabu at marijuana at isang 15 taong gulang na babae na may dala ring shabu.
Ang mga kabataang may problema sa batas ay dinala na sa Bahay Pag-asa sa Taguig na pansamantalang tutuluyan ng mga ito.
"This operation serves as a stern reminder that no one, regardless of age, is exempt from the law. We will continue to pursue drug traffickers and those who endanger the youth by involving them in illegal activities," ayon kay Brigadier General Bernard Yang, direktor ng Southern Police District.
17 Taong Gulang na Estudyante, Huli sa Shabu sa Barangay Fort Bonifacio | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: