Dalawampu't anim na gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang 45 taong gulang na lalaki sa Barangay Pinagsama, Taguig City noong Agosto 20, 2024 ng gabi.
Isang search warrant (Search Warrant 2024-059) ang dala ng Taguig City Police Station Sub-station 3 na inilabas ni Kagalang-galang Bernard P. Bernal, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 70 nang puntahan sa bahay si alyas Tayman/Rex, 45 taong tulang, noong Martes ng 10:05 ng gabi.
Sa pagsasaliksik, nakuha sa suspek ang droga na nagkakahalaga ng ₱176,800.00.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulis si alyas Tayman/Rex habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act Number 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(Mga larawan mula sa Taguig City Police)
₱176,800 Halaga ng Shabu, Nakumpiska sa 1 Lalaki sa Barangay Pinagsama | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: