Nasa 191 mga Pilipino na ang lumapit sa Philippine Consulate sa Los Angeles, USA, makaraang maapektuhan ng wildfire sa naturang lugar.
(Screenshot mula sa ABC News)
Ayon kay Consul General Adelio Angelito Cruz, ang mga Pilipinong ito ay nasa evacuation centers makaraang magsilikas mula sa kanilang tahanan na apektado ng wildfire.
Kabilang sa suportang ibinibigay ng pamahalaan ng Pilipinas ay $200 at iniuugnay sila sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Gayundin, tiniyak ni Cruz na tutulungan ang mga naturang Pilipino na maibalik sa normal ang kanilang buhay makalipas ang mala-delubyong sunog sa Greater Los Angeles area.
Sa ang kanluran at silangang bahagi ng Los Angeles ang apektado ng sunog kung aaan ang pinakamalaki ay ang Palisades na 14% pa lamang na nakokontrol ang sunog at ang Eaton na 30% pa lamang na nakokontrol ang sunog.
Umabot na sa 24 ang nasasawi sa naturang sunog at mahigit 12, 000 na ang natupok na gusali at bahay.
191 Pilipinong Apektado ng LA Wildfires, Tinutulungan Ngayon ng Pamahalaan ng Pilipinas | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: