Mapupuno na naman ang Detention Center ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City makaraang maaresto ang 192 dayuhan na nagta-trabaho sa isang ilegal na online scam operation sa Pasay City.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
Naaresto ang mga Chinese, Vietnamese at iba pang nationalities sa pinagsamang operasyon ng BI, National Bureau of Investigation (NBI), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Department of Justice - Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT), at Securities and Exchange Commission (SEC).
Napag-alaman na ang grupo na naaresto sa isang gusali sa Senator Gil Puyat Avenue Extension at Macapagal Boulevard sa Pasay City noong Oktubre 3, 2024 ay may kinalaman sa love scam.
Gayundin, ang mga dayuhan ay ilegal na nananatili sa bansa batay sa imbestigasyon ng BI.
"These individuals were found engaging in unauthorized employment and illegal operations, in violation of the Philippine Immigration Act. BI operatives have completed the initial procedures, including the identification and documentation of the individuals involved. Investigations are ongoing to determine further violations," ang inilabas na pahayag ng BI.
192 Dayuhang May Kinalaman sa Love Scam, Arestado | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: