Dalawang libo animnaraang posisyon ang bukas para apply-an ng mga kwalipikadong aplikante sa malaking job fair na isasagawa sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Tayuman, Manila mula Hunyo 18 hanggang 20, 2024.

News Image #1


Ayon sa Department of Health (DOH) ang mga lugar na pagta-trabahuhan ng mga interesado ay sa DOH Centers for Health Development, at sa mga DOH hospitals at medical centers.

Ang job fair ay isasagawa sa ikalawang palapag ng Fabella Hospital sa Tayuman (Lope de Vega Street) Santa Cruz, Manila mula umaga hanggang hapon.

Isasagawa rin ang mga regional job fairs sa iba't ibang bahagi ng bansa. Para sa dagdag na kaalaman kaugnay ng malapit na DOH Job Fair sa inyong lugar, maaaring i-click ang link na ito: bit.ly/DOHJOBFAIR2024

News Image #2

News Image #3


Para sa karagdagang detalye, maaaring tumawag sa 8651-8700 local 4212/4213.

Ang nationwide DOH job fair ay bahagi ng serye ng aktibidad na magtatapos sa 126 na taong anibersaryo ng DOH sa Hunyo 23, 2024.

News Image #4

News Image #5


(Mga art cards mula sa DOH)