Tatlongdaan animnapu't pitong libong halaga ng mga hinihinalang ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska sa dalawang kalalakihan sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Cembo noong Hulyo a kinse ng alas dose ng hatinggabi.

Ayon sa Southern Police District, naaresto nila si alias Tarik, 63 taong gulang, isang construction worker, at isang alias Ato, 22 taong gulang nang ang isang pulis na nagpanggap na bibili ng bawal na gamot ay nakabili ng limandaang pisong halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang plastic sachet.

News Image #1




May kabuuang 54 na gramo ng hinihinalang shabu na may street price na P367,200 ang nakuha sa dalawang suspek.

Ang dalawang suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.

(Larawan mula sa SPD-PIO)