Mahigit dalawa't kalahating milyong shabu ang nasabat sa 2 babae sa isang buy-bust operation sa Barangay Ususan, Taguig City noong Miyerkules ng gabi.

Sa pinagsamang operasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Taguig City Police, naaresto sina Elizabeth Villanueva, 26 taong gulang at Clarita Corpuz, 58 taong gulang sa Mariano Street, Barangay Ususan, Taguig City bandang alas 6:00 ng gabi noong Hulyo 17, 2024.

Limang supot na shabu na tinatayang may bigat na 400 gramo at nagkakahalaga ng P2.720 milyon ang nakumpiska sa dalawang suspek.

Sinabi ng NCRPO na nasa Taguig City Police Station na ang dalawang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

(Mga larawan mula sa NCRPO)