Mas mura pang bigas ang mabibili sa Kadiwa ng Pangulo pagdating ng Enero 2025.

Sinabi ng Assistant Secretary ng Department of Agriculture (DA), Genevieve Guevrra, na ang mga bigas na iba't ibang uri ay ibebenta ng mas mababa pa sa P40 kada kilo.

News Image #1

(Larawan mula sa Department of Agriculture)

Magbebenta ang Kadiwa sa Pngulo ng isang uri ng brown rice na tatawagin nilang "Nutri Rice," sa halagang P38 kada kilo.

May rice variety rin na "Sulit Rice" na ibebenta naman ng P36 kada kilo. Sinabi ni Guevarra, na ang Sulit Rice ay ang "super broken" variety.

Sinabi ni Guevarra na ang dalawang varieties ng bigas ay nakakakuha na ng positibong reaksyon batay sa mga unang pagsusuri at pagpapatikim nila sa mga ito.

Sa ilalim naman ng "Rice for All" program, nasa P40 kada kilo ang bigas.

Ngayong Disyembre 10, 2024, Martes, maglalagay ng Kadiwa ng Pangulo stalls sa North Avenue Station ng MRT3 at sa Monumento Station ng LRT1 upang makabili ang mga mamamayan ng murang bigas.

Posible ring maglagay ng Kadiwa ng Pangulo stalls sa Guadalupe Station ng MRT3 at Taft Avenue Station ng LRT1 bukod pa sa PITX stations para makapagbenta ng murang bigas.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa mga palengke ng sumusunod:
• Pateros Grace Marketplace
• Kamuning Market
• Malabon Central Market
• New Las Piñas City Public Market
• Pasay City Public Market
• Balintawak Market
• Cartimar Market
• Pateros Grace Marketplace
• Maypajo Public Market
• Paco Market
para makapaglagay rin ng stalls na bebentahan ng P40 kada kilo ng bigas na magiging bukas ang operasyon, Martes hanggang Sabado, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.