Nakita rin ng pulisya ng Taguig City ang matagal na nilang hinahanap na number 9 most wanted person sa lungsod ngayong Hulyo.


Naaresto si alyas Ramil, 31, sa South Daang Hari, Taguig City noong Hulyo 5, 2024x alas 5:00 ng hapon.

News Image #1


Si alyas Ramil ay may warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

News Image #2


Ipinalabas ni Judge Bernard Pineda Bernal, Presiding Judge ng Regional Trial Court, NCJR, Branch 70, Taguig City noong Mayo 20, 2024 ang arrest warrant laban kay Ramil sa ilalim ng Criminal Case Number 10598-D.

Nakapiit ngayon sa Taguig City Police Station si alyas Ramil.

(Mga larawan mula sa Taguig City Police)