Dalawang Chinese nationals na nagpanggap na mga Costa Ricans ang naaresto ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 makaraang magtangkang lumabas ng bansa gamit ang mga pekeng dokumento noong Oktubre 19, 2024.

News Image #1

(Larawan ng Bureau of Immigration)

Napag-alaman na ang dalawang pasahero, sina Wang Songyi na 54 na taong gulang at Liao Fudi, 50 taong gulang, ay sasakay sana ng isang flight ng Philippine Airlines patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Patungo sana sa Canada ang dalawang Chinese nationals na gagamitin ang kanilang Costa Rican passports upang maiwasan ang entry visa requirement ng Canada para sa mga Chinese nationals.

Naharang ng mga tauhan ng BI ang dalawa nang mapansin ang iregularidad sa mga pasaporteng kanilang ipinakita. Peke ang mga arrival stamps nito sa Pilipinas batay sa pagsisiyasat ng BI forensic documents laboratory.

Hindi rin makapagsalita ng Espanyol ang dalawang lalaki na siyang lenggwahe ng Costa Rica. Inamin din ng dalawa na sila ay mga Chinese nationals at isinuko ang kanilang Chinese passports na may peke ring Immigration arrival stamps.

Sa kasalukuyan ay nasa BI Detention Facility s Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ang dalawang dayuhan at sinampahan na ng kasong deportasyon.