Muling nasaksihan ang paglalaro ng football ng dating Philippine Azkal member na si Anton del Rosario at iba pang mga sikat na manlalaro ng football sa AIA 7's Football League game na isinagawa sa McKinley Hill Stadium, Bonifacio Global City, Taguig City kahapon, Mayo 19, 2024.
Ang Super Sunday All Stars ay kinatampukan ng MJ Libre's Stars na pinangungahan ni Del Rosario at ng Stephan Schrock Supers na pinangunahan naman ni Stephan Schrock na isa ring dating player ng Azkals.
Regular na isinasagawa ang AIA 7's Football League games sa McKinley Hill Stadium. Gayunman, nagsasagawa rin sila ng tournaments sa labas ng Metro Manila katulad sa Angeles City, Pampanga at sa Cebu.
Patuloy na aktibo sa sport ang dalawang dating Azkal members kung saan natutulungan din nila ang mga nagsisimula pa lamang na football players na mahasa at maipakita rin ang kanilang galing sa sport.
(Larawan mula sa AIA 7's Football League Facebook Page)
2 Dating Azkals, Naglaro sa AIA 7's Football League Game; Regular na Isinasagawa ang Football Games sa McKinley Stadium | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: