Ayon sa kamag-anak ng isa sa mga biktima, Grade 8 at 13 taong gulang ang kanyang pinsan samantalang ang kaibigan nito ay Grade 10 at 15 taong gulang, pawang mga residente ng Barangay Central Signal Village.
Isang 16 na taong gulang na estudyante at Barangay Emergency Response Team (BERT) Officer ang unang nakakita sa dalawang batang babaeng nakabigti sa bakal na grills sa kuwarto ng Girl Scouts of the Philippines sa ikatlong palapag ng Magsaysay Building.
Ayon sa salaysay ng mga guwardiyang rumesponde, tinawag sila ng BERT Officer at inakyat nila ang kinaroroonan nito. Nakita nilang nakabigti ng kurdon ang mga biktima at agad na pinutol ito.
Ang mga pulis ang nagbukas ng pintuan ng kuwarto sa pamamagitan ng bolt cutter dahil naka-padlock ang bakal na grills na pintuan na may nakaharang na kurtina. Tumambad sa kanila ang mga labi ng dalawang batang babae na nasa sahig na makaraang putulin ng mga guwardiya ang cord sa leeg ng mga ito.
Sa Facebook post ng pinsan ng isa sa mga biktima, nanghingi ito ng tulong: "Our family is asking and begging for your help- to all the classmates, teachers and friends of "I" and her classmate, "M," come forward and tell the truth. Both were found dead last night, 'nakabigti' daw according sa mga guards ng Signal Village National High School. Wala raw CCTV na gumagana sa school.
Please look into this DEPED TAPAT-Division of Taguig City and Pateros DepEd Philippines and Mayor Lani Cayetano."
Hindi rin makapaniwala ang pinsan ng biktima sa sinasabing "nagpatiwakal" ang kanyang pinsan.
"My cousin was an honor student and part of the GSP. She's at Grade 8, Gold Section. She will not dare kill herself."
Sa inisyal na imbestigasyon naman ng Taguig City Police at ng Scene of Crime Operation (SOCO), wala silang nakitang foul play sa pagkamay ng dalawang estudyante.
"The initial evidence gathered by the Philippine National Police-Taguig and the Scene of Crime Operation (SOCO) do not indicate foul play in the deaths of two female high school students whose lifeless bodies were discovered almost midnight of Friday, Nov 10, at Signal Village National High School.
PNP-Taguig urges the public to refrain from making speculations that could worsen the situation experienced by the grieving families."
Tiniyak ng Taguig City Police na ipagpapatuloy nila ang imbestigasyon at ilalabas kaagad ang resulta nito.
(Photos by Rhea M)