Dalawang takas sa batas na Hapon na sinasabing miyembro ng grupong Luffy, isang sindikato na nagsasagawa ng mga bayolenteng krimen sa Japan, ang naipatapon na pabalik ng kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) noong Martes, Marso 26, 2024.
Ilang taon ding nagtago sa bansa sina Sugano Kazushi at Shimoeda Saito bago naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Nobyembre 16, 2023.
"They were deported for being undesirable aliens after the Japanese government tagged them as fugitives from justice for reportedly working as fraudulent callers for a criminal group victimizing elderly Japanese," ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco.
May warrant of arrest sa dalawang Hapon na ipinalabas ng Tokyo Summary Court dahil sa pagiging bahagi ng isang malaking telecom fraud group.
Bukod pa ito sa pagiging miyembro nina Kazushi at Saito sa bayolenteng kriminal na grupong Luffy.
Simula pa noong taong 2019 nang magtago sa Pilipinas ang dalawa at naaresto lamang noong Nobyembre 16, 2023 makaraang maharang sa NAIA Terminal 3 nang magtangkang lumipad palabas ng bansa.
Ilang buwan ding nakulong sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang dalawang kriminal bago naideport.
"Their deportation is a significant achievement in our efforts to disrupt criminal networks victimizing unsuspecting individuals. This successful deportation is a testament to the collaborative partnership and good relationship between the Philippines and Japan. We will not allow our country to be used as a hiding ground for criminals and syndicates," pagtatapos ni Tansingco.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
2 Hapong Miyembro ng Luffy Criminal Group sa Japan, Naipadeport na ng Immigration Bureau | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: