Nasa 20s lamang ang dalawang suspek sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot na naaresto ng Taguig City Police sa Barangay Calzada - Tipas, Taguig City kamakailan.
Tinatayang ₱291,040.00 halaga ng ipinagbabawal na shabu ang nakuha mula sa mga suspek na sina alyas Pao-pao, 20 taong gulang at alyas Renz, 23 sa isang buy-bust operation.
Umabot sa 42.8 na gramo ng ipinagbabawal na gamot na nakasupot sa isang plastik bukod sa 9 na plastic sachet ang nakuha sa dalawa na nagtangkang magbenta sa mga nagpanggap na buyers na mga pulis.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang dalawang suspek.
Ang operasyon ay isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station.
Ang mga nakuhang ebidensya ay dinala na sa Southern Police District Forensic Unit (SPDFU)
(Larawan mula sa Southern Police District)
2 Lalaking Taga-Calzada Tipas, Nakuhanan ng ₱291K na Shabu | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: