Tatlong lalaki at isang babae ang naaresto sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Taguig City Police sa Barangay North Signal bandang alas 5:30 ng hapon noong Oktubre 4, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa Taguig City Police)

Nakumpiskahan ng tinatayang 18.1 gramo ng shabu ang apat na suspek na kinabibilangan nina alyas Joey, 41 taong gulang, alyas Cathy, 41 taong gulang at dalawang menor de edad na sina alyas Aeron, 17 taong gulang at alyas Joshua, 15 taong gulang.

Nakuha sa mga ito ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na may lamang hinihinalang shabu na ang halaga ay nasa P123, 080.

Nakumpiska rin sa mga ito ang P500 ginamit na buy-bust money, isang timbangan at isang coin purse. Dinala agad ng Taguig Police buy-bust team sa Southern Police District Forensic Unit (SPDFU) ang mg nakumpiskang droga para sa chemical analysis.

Ang apat ay haharapan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Taguig City Prosecutor's Office.