Dalawang namumuong bagyo ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, ang mga buo-buong ulap sa may hilaga ng Luzon ay maaaring maging low pressure area (LPA) ngayong Biyernes at maaari ring maging bagyo sa katapusan ng linggong ito.
Kung sakaling mabuo bilang bagyo, papangalanan itong Julian, na magiging ika-sampung bagyo na papasok sa Pilipinas sa taong ito.
Mananatili lamang sa may hilaga ng Luzon ang bagyo, sa may silangan ng Batanes, ayon pa sa PAGASA.
Ang isa pang LPA ay nasa labas naman ng PAR at may 2, 750 kilometro ito sa silangan ng Gitnang Luson. Maliit naman ang posibilidad na pumasok ito sa bansa dahil inaasahang kikilos ito sa North Pacific Ocean.
Samantala, ngayong Biyernes, Setyembre 27,2024, ang Palawan at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ay magiging maulap hanggang sa uulan dahil sa inter tropical convergence zone (ITCZ). Ayon sa PAGASA, ito ay isang linya kung saan nagsasalubong ang hangin mula sa northern and southern hemispheres, kaya't mataas ang tyansa ng kaulapan doon.
Ang easterlies naman o ang hanging galing sa Pacific Ocean ang patuloy na nagpapaulan din sa bansa.
2 Namumuong Bagyo, Binabantayan ng PAGASA; Kapag Naging Bagyo ang Isa, Magpapaulan ito Ngayong Katapusan ng Linggo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: