Dalawang pangunahing pagkilala ang iginawad sa Taguig City sa isinagawang Creative Cities and Municipalities Congress sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel kagabi, Agosto 23, 2024.
(Larawan mula sa Taguig PIO)
Ang lungsod ng Taguig ay kinilalang Top 1 Most Improved Highly Urbanized City in the Philippines. Bukod dito, kinilala rin ang Taguig City na Top 1 Most Competitive in the Economic Dynamism Pillar sa hanay ng mga highly urbanized cities sa bansa.
(Larawan mula sa DTI)
Ayon sa pahayag ng pamahalaang lungsod ng Taguig, ang pagkilala ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng lungsod na isulong ang pagiging malikhain at mga makabuluhang pagbabago, bukod sa pagkakaroon ng maayos na lugar ng pagnenegosyo at pagpapalawak ng industriya, at pagdami ng nalilikhang trabaho.
(Larawan mula sa DTI)
Nagwagi naman bilang Overall Most Competitive Highly Urbanized City sa bansa ang Quezon City, nasa ikalawang puwesto ang Manila at ikatlo naman ang Pasay City.
Sinabi ni Pangasinan Congressman Christopher De Venecia, ang principal author ng Philippine Creative Industries Development Act (Republic Act 11904) na ang layunin ng batas ay ilagay ang Pilipinas bilang pangunahing malikhaing ekonomiya sa ASEAN region pagdating ng taong 2030.
(Larawan mula sa DTI)
"indeed, creative cities and municipalities are the linchpins of this ambitious goal. By investing in creative infrastructure and fostering an environment conducive to artistic expression, localities become sources of inspiration. Simply stated, by investing in the creative industries, we invest in the very foundations of our future," ayon kay De Venecia.
Ang Creative Cities and Municipalities Congress ay isang inisyatibo na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry upang maisulong ang pagiging malikhain, kultura at mga pagbabago sa mga lokal na pamagalaan sa buong Pilipinas.
2 Pangunahing Pagkilala, Iginawad sa Taguig City sa Creative Cities and Municipalities Congress | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: