Dalawa pang barangay sa Taguig City ang idineklarang malinis na sa droga.

Dahil dito, nasa 19 na ang mga barangay sa Taguig City na drug-cleared makaraan ang ikalawang Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) deliberation na isinagawa noong Agosto 6, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa Taguig PIO)

Ang Barangay Napindan at Barangay North Daang Hari ang nadagdag sa mga barangay na nalinis na sa ipinagbabawal na gamot.

Ang deliberasyon ay isinahaaa sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig Auditorium at dinaluhan ng acting Chief of Police ng Taguig City Police Station na si Police Colonel Christopher Olazo at ng pinuno ng Taguig Anti-Drug Abuse Office na si Hilario Cruz.

Ang status na drug-cleared barangay ay ibinibigay ss mga barangay na dati ay may presensya ng droga dahil sa ilang personalidad na may kinalaman sa bawal na gamot sa kanilang barangay na ngayon ay nasupil na.

"These areas have successfully addressed drug issues through verified efforts and campaigns. Under the leadership of Mayor Lani Cayetano, Taguig City has intensified its fight against illegal drugs with comprehensive programs aimed at educating and engaging its communities," ang pahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa isang pahayag.

Tiniyak naman ng Taguig Anti-Drug Abuse Office na patuloy ang kanilang preventive education, pagtiyak na walang droga sa mga lugar ng trabaho, tinutulungan ang mga gustong magbagong-buhay na magamot at mapagbago at pagsasagawa ng mga drug-clearing programs sa mga barangay ng Taguig.