Dalawang persons of interest ang nakilala na sa pagkakabaril sa isang tauhan ng Taguig City Police noong nakaraang Linggo ng gabi sa may Barangay Rizal, Taguig City.

Ang dalawang ito, kasama ang dalawa pa ang sinasabing may kinalaman sa pagbaril kay Patrolman Austine Jhon Austria.

Si Austria kasama ang iba pang tauhan ng pulisya ay hinabol ang dalawang armadong kalalakihan na nakasakay sa motorsiklo na unang nakita sa Barangay Pembo.

Nakita ng mga pulis ang motorsiklo na naabandona sa isang lugar sa Lopez Jaena Street Barangay Rizal. Habang iniinspeksyon ang abandonadong motorsiklo, dumating ang dalawang nakasakay sa isa pang motorsiklo. Ang backrider ang bumaril kay Austria. Gumanti ng putok ang mga kasama ni Austria subalit nakatakas ang mga suspek.

News Image #1

(Larawan ni Dexter Terante)

Tinamaan si Austria sa kanyang hita, binti at paa at dinala sa Ospital ng Makati para sa dagliang paggamot. Inilipat siya sa St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig para sa karagdagang lunas.