Dalawampu't isa punto spat na gramong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P145, 520 ang nakumpiska ng Taguig City Police mula sa dalawang suspek sa isang buy-bust operation sa Barangay Central Signal, Taguig City.
(Larawan mula sa Taguig City Police)
Nagkunwaring bibili ng shabu ang ahente ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit sa dalawang kalalakihang nakilala sa alyas na Miyong, 26 anyos at alyas Arvin, 34 anyos, kaninang la 1:30 ng umaga, Setyembre 28, 2024, sa Barangay Central Signal.
Nahulihan ang dalaw ng 6 na heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu,ang buy-bust money na dalawang tunay na P100 bill at limang pekeng P1, 000 bills at isang itim na coin purse.
Dinala na ng mga otoridad ang nakumpiskang droga sa Southern Police District Forensic Unit upang maeksamin sa laboratoryo.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, naaresto rin ng Taguig City Police ang Top 1 Station Level Most Wanted Person sa ikatlong quarter ng 2024 noong alas 2:35 ng hapon ng Setyembre 27, 2024 sa Barangay Pembo, Taguig City.
(Larawan mula sa Southern Police Districtt)
Ang nahuli sa bisa ng warrant of arrest ay si alyas Daniel n may kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 ay gayundin sa Section 28 ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Ipinalabas ang warrant ni Honorable Gina Bibat-Palamos, Presiding Judge ng Branch 64 ng Makati Regional Trial Court. Walang piyansang inirekomenda sa suspek.
2 Suspek sa Bawal na Gamot, Arestado sa Barangay Central Signal; 1 Wanted sa Makati, Huli sa Barangay Pembo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: