Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paglaganap ng nga electronic cigarettes na may lamang marijuana oil makaraang makahuli sila ng dalawang suspek sa Taguig City na nagbebenta nito kasama ng pagkakakumpiska ng tinatayang P842, 000 halaga ng ilegal na droga at kagamitan.

News Image #1


Sa magkahiwalay na anti- drug operations na isinagawa ng PDEA Special Enforcement Service, Regional Office-National Capital Region-Southern District Office, Investigation Service, at Taguig City Police noong gabi ng Marso 14, 2024, naaresto.

Nakuha sa dalawa ang mga cannabis oil, marijuana kush at vaping devices na nagkakahalaga ng P842, 000.

News Image #2


Kamakailan at naharang ng PDEA at Bureau of Customs ang 18 balikbayan boxes na may lamang cannabis oil at marijuana cush na nakatago sa mga e-cigarettes sa Port Area, Manila. Nagkakahalaga ito ng P337 milyon.

Binalaan ng PDEA ang publiko na huwag bumili ng mga e-cigarettes na may marijuana dahil ito ay ilegal at makakasama sa kalusugan.

"The selling and smuggling of mariuana oil-cartridges indicate that there is a growing domestic demand for these products. Considering that the vaping culture is predominantly popular among the youth, these cannabis extracts can passed off as a legitimate vape aerosol in the market and sold to the younger patrons," ang pahayag ng PDEA.

Lalo pang hinigpitan ng PDEA ang kanilang pagmomonitor sa mga pisikal at online na vape shops sa posibilidad na may nagbebenta sa mga ito ng e-cigarettes na mayroong marijuana.

(Larawan mula sa PDEA)