Naglabas na ang Malakanyang ng listahan ng mga walang pasok o holidays sa bansa para sa taong 2024.

Nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng 20 national holidays bilang komemorasyon sa mga mahahalagang araw at para maiplano na ng mga mamamayan ang kanilang bakasyon.

Sa pamamagitan ng Proclamation 368 na nilagdaan noong Oktubre 11, 2023, narito ang mga idineklarang regular holidays at special non-working days sa bansa sa susunod na taon.

News Image #1


Regular holidays:
Jan. 1 New Year's Day
March 28 Maundy Thursday
March 29 Good Friday
April 9 Araw ng Kagitingan
May 1 Labor Day
June 12 Independence Day
Aug. 26 National Heroes Day (Last Monday of August)
Nov. 30 Bonifacio Day
Dec. 25 Christmas Day
Dec. 30 Rizal Day

Idineklarang special (non-working) days:
Aug. 21 Ninoy Aquino Day
Nov. 1 All Saints' Day
Dec. 8 Feast of the Immaculate Conception of Mary
Dec. 31 Last Day of the Year

Karagdagang special (non-working) days:
Feb. 10 Chinese New Year
March 30 Black Saturday
Nov. 2 All Souls' Day
Dec. 24 Christmas Eve

Ang proklamasyon naman para sa deklarasyon bilang national holidays ng Eid'l Fitr at Eid'l Adha ay ipapalabas na lamang kapag nalaman na ang araw ng Islamic holidays depende sa Hijra (lunar calendar) o Islamic calendar, o base sa Islamic astronomical calculations.

Ang National Commission on Muslim Filipinos ang magrerekomenda sa Tanggapan ng Pangulo kaugnay ng aktwal na petsa ng Eid'l Fitr at Eid'l Adha.

Mapapansing wala sa listahan ang EDSA People Power Anniversary na dati ay idinedeklarang holiday ng pamahalaan tuwing Pebrero 25.

Ipinaliwanag naman ng Malakanyang na hindi na lang idineklarang holiday ang Pebrero 25 dahil ito naman ay tumapat sa Linggo na wala talagang pasok.

(Photo by the Presidential Communications Office)