Video ng bayaran ng buwis sa Convention Center ng bagong Taguig City Hall sa Pedro Cayetano Boulevard, Barangay Ususan na kinuhanan ni J.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Taguig, ngayong nasa ilalim na rin ng lungsod ang hurisdiksyon ng 10 EMBO (enlisted men's barrios) barangays, maaari na ring magbayad ang mga ito sa Convention Center ng bagong Taguig City Hall, o sa SM Aura Satellite Office sa ika-siyam na palapag ng SM Aura Tower, Mckinley Parkway, Bonifacio Global City, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon maliban na lamang kung piyesta opisyal.
Mas mababa rin ang babayarang buwis sa lupa ng mga taga EMBO barangays kumpara noong sila ay nasa ilalim pa ng Makati City.
Ang singil ng Taguig sa amilyar ay 2% lamang sa residential, kumpara sa 2.5% na singil ng Makati.
Ang nasa commercial at industrial naman ay sinisingil lamang ng 2.5% na real property tax ng Taguig kumpara sa 3% na singil ng Makati.
Mayroon ding inilaan na special lanes sa mga residente ng EMBO na mangangailangan ng tulong sa kanilang pagbabayad lalo na at ito ang kauna-unahang pagkakataon na magbabayad sila ng buwis sa Taguig.
Maaari rin silang makipag-ugnayan sa City Assessor's Office sa mobile number na 0919-061-1003 o ihatid ang kanilang katanungan sa Taguig City Assessor EMBO Concern Facebook Page.
Kailangan lamang na dalhin ang pinakahuling resibo sa binayarang amilyar at ang kopya ng pinakahuling tax declaration. Maaari ring kunin sa City Assessor's window ang inyong tax declaration copy.
Maaaring magbayad sa pamamagitan ng cash, credit o debit card o sa Gcash o Pay Maya. Puwede ring Manager's o Cashier's check na ilalagay ang pangalang City Treasurer of Taguig sa pagbabayaran.
(Photo by Taguig PIO)
(Video by J)