Nagtanim ng mga bagong puno ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig City sa isinagawang selebrasyon ng National Arbor Day 2024 noong Hunyo 25, 2024, sa center island ng C6 Road, Laguna Lake Highway, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Mahigit 200 seedlings at saplings ng Tabebuia Rosea o pink trumpets ang itinanim sa araw na iyon.


"Kailangan po nating maibalanse 'yung development. Magiging ganap ang development ng ating lungsod kung nagpapahalaga tayo sa modern development, sa progress, sa technology, niyayakap natin 'yun. But at the same time we also give importance to taking care of Mother Nature," ang pahayag ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na isa sa nanguna sa pagtatanim ng mga seedlings at saplings.

News Image #1


Ang National Arbor Day ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing Hunyo 25. Ang selebrasyon ay naglalayong hikayatin ang lahat ng Pilipino na magtanim ng puno at ornamental plants upang maisulong ang malusog na ecosystem sa pamamagitan ng rehabilitasyon at muling pagpapaberde sa kapaligiran.

News Image #2


Mahigit sa 200 ang lumahok mula sa mga tanggapan ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ng City Environment & Natural Resources Office (CENRO), City Agriculture Office (CAO), Lake and River Management Office (LRMO), at City Parks and Recreation Office (CPRO).

News Image #3


Ang private partner ng Taguig sa proyektong ito, Taisho Pharmaceutical Philippines, na kinatawan ng presidente nitong si Mr. Peng Jiang, ay nagdonasyon ng 180 tree guards upang maprotektahan ang mga batang saplings, at para matiyak ang kanilang paglaki at pagkabuhay.

Nagbigay rin ang Taisho Pharmacutical Philippines ng 10 Tabebuia saplings at 15 bags ng loam soil para sa pagtatanim.

Makaraan ang pagtatanim, isang Community PanTREE naman ang isinagawa sa City Hall Quadrangle, kung saan nagpamigay ng mga halamang namumunga ng prutas para sa mga empleyado at mga bisita. Kabilang dito ang mga mamumungan ng langka, guyabano, at rambutan at mga halamang pandakaki, at palmera.