Sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamamahagi sa iba't ibang eskwelahan sa siyudad, kung saan pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi sa Bagumbayan National High School sa M. L. Quezon, Bagumbayan, Taguig. (I-click ang video sa ibaba)
"Magmula nung kinder kayo, hanggang sa mag elementarya kayo, nag-K-to-12 na at lahat hanggang sa gumraduate kayo ng senior high school, every step of the way, ramdam ninyo ang pagmamahal ng local government, ramdam ninyo ang TLC ng Taguig," ayon kay Cayetano.
Sinabi ng Grade 11 student ng Bagumbayan National High School na si Hannah Moises na malaking tulong ito sa kanilang pamilya dahil hindi na mag-aalala ang kanyang magulang sa ipambibili ng bagong uniform.
"Mas napaganda pa ngayon dahil may mga taong hirap talaga financially. Dito sa Taguig maaasahan nating libre lahat mga gamit, pati uniform at sapatos. Lahat nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral nang maayos at komportable," ayon kay Moises.
May tagasukat na ipinadala ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa bawat eskwelahan para matiyak na kasya sa mga estudyante ang kanilang uniporme.
Kung sakaling hindi kasya ang maibibigay na uniporme sa estudyante, agad itong papalitan.
Kung mayroong nais ipahayag ang mga nabigyan ng uniporme, maaaring iclick ang link na ito.
https://bit.ly/DistributionOfSchoolUniformsFeedbackForm
para lalong mapaunlad ng Taguig City government ang serbisyo nito.
(Taguig PIO Photos)