Pinatay ng isang ama ang kanyang sanggol na anak dahil sa sa galit sa kanyang live-in partner na ayaw umuwi sa kanilang bahay sa Taguig City kamakailan.
Ayon sa Taguig City Police, ang sanggol na 11 buwang gulang lamang ay tinakpan ng unan ng ama at inupuan pa hanggang sa mamatay sa kanilang bahay sa Barangay South Daang Hari, Taguig City.
Ang ama ng sanggol, na kinilala ng pulisya na si John Erick Maribao, 22 taong gulang, ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang sinturon makalipas na isagawa ang krimen. Hindi na umabot ng buhay sa Taguig Pateros District Hospital (TPDH) ang dalawa.
Selos umano ang dahilan kung bakit umalis ng bahay ang ina ng bata.
Ayon kay Police Major Cherrylyn Agtarap, nakita nila sa cellphone ni Maribao na binantaan nito sa text ang live-in partner na kapag hindi bumalik ng kanilang bahay ay papatayin ang sanggol.
Ayon naman sa mga kapitbahay ng mga nasawi, madalas na nag-aaway ang mag-live-in partner bago pa nangyari ang krimen.
(Mga larawan mula sa Taguig City Police)
22 Anyos na Ama, Pinatay ang Sariling Anak Dahil Ayaw Umuwi ng Ina Nito | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: