Isandaang gramo ng shabu ang nakumpiska sa isang delivery rider sa isang buy-bust operation sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City noong Hulyo 10, 2024 ng madaling araw.

News Image #1


Ang 22 taong gulang na si alyas Jr, ay matagal nang sinusubaybayan ng mga otoridad at natiyempuhan ito sa Santos St. Barangay New Lower Bicutan bandang alas 4:40 ng madaling araw.

Nakuha rito ng mga tauhan ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit ang 10 maliit at 1 katamtaman ang laki na mga plastic na naka-selyo at may lamang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000.00.

News Image #2


Nabawi rin nila ang isang tunay na ₱1,000 na nasa ibabaw ng ₱ 5, 000.00 halaga ng boodle money na ginamit sa buy-bust.

Si alyas Jr ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Larawan mula sa Taguig City Police)